Duterte, nakipagbarilan, sumabak mismo sa gyera sa Marawi



MARAWI CITY --- Humawak at nagpaputok ng baril si Pangulong Rodrigo Duterte sa direksyon ng mga teroristang kaanib sa Maute Group sa kanyang pangatlong pagbisita sa Lungsod ng Marawi nitong Huwebes.

Ang kanyang pag-sabak sa gyera ay makaraang mailagay sa kontrol ng militar ang isang mosque kung saan ang mga terorista ay nagtatago kasama ng kanilang mga hostage.

Nakasuot ng combat uniform, protective vest at helmet, pinuri din ni Duterte ang mga militar sa matagumpay nitong operasyon na mabawi ang kontrol ng Islamic Center ng Marawi laban sa mga teroristang grupo.

Sa kanyang pag-bisita, ininspeksyon din ni Duterte ang komunidad malapit sa lugar ng bakbakan at nakipag-usap sa tropang nagba-bantay dito.  Binisita din nya ang isang military patrol base at sinubukan ang isang sniper rifle at ipinaputok ito sa direksyon ng mga terorista.




Si Army Col. Romeo Brawner mismo ang nagpa-totoo na pumunta mismo ang Pangulo sa "main battle area", kasama sina Gen. Eduardo Ano at iba pang matataas na opisyal ng militar.

Higit sa 760 katao, kasama na ang 595 terorista, ang namatay sa bakbakan sa Marawi, na nag-dulot nang pangamba na baka ang Islamic State group ay mayroon ng malakas at solidong presensya sa Southeast Asia sa tulong ng mga lokal na teroristang grupo.  Natakot ang ilan na matulad ang Pilipinas sa Syria at Iraq.



Mahigit kumulang 600 armadong tao ang nagsimulang maghasik ng terorismo sa Marawi noong Mayo 23.

Tumulong na ang Estados Unidos at Australia sa pag-deploy ng mga surveillance aircraft sa lugar upang mapa-igting ang kakayanan ng mga Filipino na malaman ang lokasyon ng mga terorista na nagta-tago sa mga gusali sa lugar at ang iba ay gumawa pa ng mga underground tunnels.  Ang Tsina  at iba pang mga bansa sa Southeast Asia ay nag-bigay din ng mga armas sa Armed Forces of the Philippines at nag-alok na din ng tulong sa mga naapektuhan ng bakbakan.



Comments