Duterte minura ang babaeng UN rapporteur dahil sa komento nito kay Kian delos Santos

PAMPANGA — Minura ni Presidente Rodrigo Duterte ang babaeng United Nations (UN) special rapporteur on summary executions na si Agnes Callamard matapos hikayatin ng huli ang administrasyon na gawin nang huli ang kamatayan ni Kian delos Santos, 17, sa mahabang lista ng patayan sa gyera laban sa droga.

Ayon kay Duterte, walang asigurasyon na huli na si delos Santos sa mga mamatay sa kanyang madugong gyera laban sa droga.

“Tang ina niya, sabihin mo. Huwag niya akong takutin. Putang ina niya. Gago pala siya eh. Taga-saan ba ‘yang buang na ‘yan," sabi ng presidente .

“Mangyayari nang mangyayari ‘yan. Eh sa lugar niya nangyayari, gago ka pala,” dagdag pa ni Duterte.


Nang nakaraang Miyerkules, nag-pahiwatig si Agnes Callamard ng pakikiramay sa mga kamag-anak ni Kian Delos Santos, isang estudyante sa hayskul na napatay ng mga pulis.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Callamard na "cruel" ang war on drugs ni Duterte at sinulat nito ang wrote the hashtag "#Makehisdeaththelast".

Hiningi rin ng babae sa pangulo na imbestigahan ang lahat ng labag sa batas na pag-patay ng mga pulis at tapusin na ito.

Pero mura lang ang naging tugon ni Duterte.

“French? Tang ina, umuwi siya doon,” sabi ni Duterte.




Comments