SINO ANG MAS MAY BAYAG? Si Trillanes o si Duterte?

Pumirma na ng waiver si Senador Antonio Trillanes IV na nagbibigay ng pahintulot sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at tanggapan ng Ombudsman na makalkal ang sinasabing bank accounts nito sa ibang bansa na inaakusa sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Trillanes na pagpapatunay lamang ito na wala siyang anumang tinatago.

Kasabay nito ay may hinamon naman si Trillanes sa Pangulo na pumirma na rin ng waiver upang mabuksan ang mga kinukwesyon niyang bank accounts noon pang panahon ng kampanya.




Una rito, nangako ang Pangulo na kaniyang wawasakin si Trillanes na nagtataglay umano ng maraming offshore accounts.

Nagbanta pa ang Pangulo na sa mga susunod na araw ay kaniyang ibubunyag ang mga deposito na tinanggap ni Trillanes mula sa mga Chinese bank accounts nito.

Subalit, sa kabila ng mga salita, hindi pa rin pumipirma nang waiver ang Presidente.  Bagkos, nag-mura lamang ito nang marinig ang balita ukol sa ginawa ng Senador.




Comments