Suspek sa pananaksak sa isang Condo sa Pasay, itinuring na bayani.


Suspek sa pananaksak sa Central Park Condominium sa Pasay City, napatay ng mga pulis pagkatapos diumanong mag-amok ang lalaki. Lima ang kumpirmadong patay kabilang na ang suspek at nasa limang katao naman ang lubhang nasugatan.


Inaalam pa ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng pag-aamok ng lalaki na nagngangalang Robert Garan. Sinasabing nasaksihan ng kapatid ni Emelyn Sagun, nobya ng suspek, ang pagpatay sa kapatid matapos itong saksakin at itulak sa hagdan dahil umano sa away ng dalawa. Pagkatapos ay sinugod at sinaktan ni Garan ang ibang tenant.

Napatay ang suspek sa ika dalawamput-dalawang palapag ng nasabing gusali nang manlaban ito gamit ang isang kitchen knife.


Maaaring ang pangyayaring ito ay gamitin ng oposisyon para pababain ang moral ng kapulisan at ng Pangulo dahil walang laban ang suspek sa engkwentro. May mga usap-usapan din na gagawing bayani tulad ni Kian Delos Santos ang nasabing suspek dahil walang due process ang pagkamatay niya. Maghanda na rin ang publiko sa posibleng Senate hearings at investigation sa naturang krimen.

Photos: ABS-CBN News/Radyo Inquirer 990AM/DZBB Super Radyo

Comments